133 Atleta pasok sa ASIAD pool
MANILA, Philippines - Lumobo na sa 133 ang manlalarong puwedeng makasama sa Pambansang delegasyon na laÂlaro sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang mga larong athleÂtics (10), taekwondo (12) at bowling (12) ang binigyan ng mahigit na 10 manlaÂlaro sa delegasyon upang masama sa hanay na may malaking bilang sa national pool.
Nangunguna sa may malaking bilang ang mga team sports na softball (18), basketball (12) at rugby (15) na tiyak na ring sasama sa Incheon dahil naabot na nila ang criteria na top five sa Asian level tournaments.
“So far, we have 133 tentative athletes na we feel might make it to the Asian Games. Dumami ito dahil sa tatlong team sports na basketball, softball and rugby,†pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Ang mga BMX riders na sina Fil-Ams Daniel at Chris Caluag ay pasok na rin dahil sa magandang ranking sa Asia sa event na ito sa cycling habang ang triathlon (4) at weightlifting (3) ay binigyan na rin ng slot dahil umabot sa criteria.
Nilinaw pa ni Garcia na ang ibang NSAs na nagbigay ng atleta ay hindi pa tiyak na makakasama dahil ang mga ito ay isasalang pa sa ibang kompetisyon para makita kung aabot sa criteria.
Binanggit pa ni Garcia na hiningian na ng Asian Games Task Force ang mga sasali sa kompetisyon ng kanilang programa para masilip kung kukulangin o sosobra ang inilaang P50 milyon ng PSC para sa kanilang pagsasanay.
“Boxing, more or less, in place na ang kanilang progÂrama. Basketball, softball, rugby taekwondo, triathlon and judo may programa na rin. We are trying to put in all the figures because we need to total all these things para makita kung saan kami puwedeng magbawas o magdagdag para magkasya ang P50 milyon pondo,†ani pa ni Garcia.
Naunang sinabi ni Garcia na siya ring Chief of Mission sa Incheon, na hindi lalampas sa 200 ang bilang ng manlalarong ipadadala na magbabalak na higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na naiuwi mula sa 2010 Guangzhou Asian Games.
- Latest