^

PSN Palaro

Palaban ang bubuuing team na isasabak ni Vicente sa Asian Men’s Club Volleyball C’ships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buo ang loob ni national volleyball coach Francis Vi­cente na mapapagsama-sama niya ang pinakamahu­husay na manlalaro na magdadala ng laban ng host Pilipinas sa 2014 Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT Home Fibr.

“Our marching order from the Philippine Volleyball Federation (PVF) and the organizers is to form the best fighting squad,” wika ni Vicente.

Ang kompetisyon ay itinakda mula Abril 8 hanggang 16 sa Mall of Asia Arena at Cuneta Astrodome sa Pasay City at lalahukan ito ng 18 bansa na record sa kasaysa­yan ng AMCVC.

Nauna nang pinangalanan sa Pambansang koponan na makikilala bilang TVolution Power Pinoys sina actor-sportsman Richard Gomez, JP Torres, Ronjay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakaran Abdilla, Jason Ramos at Rodolfo Labrador upang isama sa mga Australian imports na sina Cedric Legrand at William Robert Lewis.

Lima pang local players ang pangangalanan at ito ay inaasahang gagawin sa loob ng ilang araw dahil ang koponan ay tutulak ng Seoul, Korea para sa dalawang linggong pagsasanay.

Ang lahat ng laro ng Pilipinas ay mapapanood ng live sa TV5  bukod sa live streaming gamit ang TVolution ng PLDT HOME Fibr.

vuukle comment

ALNAKARAN ABDILLA

ASIAN MEN

CEDRIC LEGRAND

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

CUNETA ASTRODOME

FRANCIS VI

HOME FIBR

JASON RAMOS

JEFFREY MALABANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with