Pinoy may laban sa Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang mga opisyales at nag-oorganisa ng 2014 Le Tour de Filipinas na may Filipino rider na mananalo sa naturang ika-limang edisyon ng cycling competition na nakatakda sa Abril 21-24.
Sa ikatlong edisyon ng Le Tour noong 2012 ay nagkampeon si Filipino cyclist Baler Ravina.
Ngayong taon ay kakampanya si Ravina, ang unang Filipino cyclist na nanalo sa isang UCI race, para sa 7-Eleven Roadbike Team katuwang si Mark Galedo, habang sina LuÂcien Lloyd Reynante at Santi Barnachea ang babandera sa Philippine Navy Standard Insurance squad.
Ayotn kina PhilCycling chairman at cycling godfather Bert Lina, Le Tour organizer Jerry Jara at PhilCycling president Bambol Tolentino, ang mga miÂyembro ng 7-Eleven at PN-Standard ay ang “cream of the crop of Phl cycling.â€
“As always we’re very hopeful na manalo ang ating two teams; lahat tayo pinagdarasal na sila ang manalo sa event,†wika ni Lina kahapon sa press conference sa Manila Hotel.
Si David McCann ng Giant Asia Racing Team ng Ireland ang unang naghari sa Le Tour noong 2010 kasunod sina Rahim Emami ng Azad University ng Iran (2011), Ravina ng Go21 Cycling Team (2012) at Ghader Mizbani ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran (2013).
Ang mga bansang kalahok sa four-stage, 616-km race ay ang Australia (Stalyst Giant Racing Team), Brunei (CCN Cycling Team), Indonesia (Pegasus Continental Team), Iran (TSR Continental), Ireland (Polygon Sweet Nice), Japan (Aisan Racing Team at Team Ukyo), Kazakshtan (Track Team Astana at Kazakhstan National Team), Malaysia (Terangganu Pro Asia Cycling Team), Mongolia (Attila Cycling Club), Singapore (OCBC Singapore Continental Cycling Team) at ang UAE (UAE Cycling Team).
Kabuuang $16,540 o P744,300 ang nakataya para sa ika-limang edisyon ng Le Tour.
Pakakawalan ang 2014 Le Tour sa Central Luzon para sa kickoff leg kung saan sisimulan ng 80 siklista ang kanilang pagpadyak sa Clark sa Pampanga sa isang 153-Km ride patuÂngong Olongapo City.
- Latest