Valdez malakas ang laban para sa UAAP Athlete of the Year
MANILA, Philippines - Opisyal na magsasara ngayon ang Season 76 ng UAAP sa makulay na seremonya na gagawin sa Grand Ballroom ng Century Park Hotel.
Sa ganap na alas-5 ng hapon magsisimula ang pagtitipon na kung saan ipagkakaloob din sa La Salle ang kanilang pangaÂlawang general championship trophy at ikatlo sapul noong sumali sa liga noong 1988.
Tampok ding kaganapan ay ang paghirang sa Athlete of the Year na kung saan isa sa palaban ay ang Ateneo team captain sa volleyball na si Alyssa Valdez.
Kung maigagawad sa kanya ang parangal, siya ang lalabas na kauna-unahang manlalaro sa juniors at seniors sa UAAP na kinilala bilang AOY.
Naibigay kay Valdez ang parangal sa juniors noÂong naglalaro pa siya sa UST.
Si Valdez ang nanguna sa Lady Eagles sa makasaysayang kampeonato sa volleyball nang tabunan nila ang thrice-to-beat advantage ng La Salle.
Ang iba pang ikinokonsidera sa AOY ay sina UST lady jin Nicole Cham, WoÂman National Master Jan Jodilyn Fronda ng La Salle at FEU Lady Tamaraws center Camille Sambile.
“It was indeed a very significant season that saw student-athletes exceeding their limits only to show their love not only for their respective schools but also for sports,†wika ni UAAP Season 76 President Fr. Maximino Rendon, C.M., ng Adamson University.
Ipagkakaloob din ni Fr. Rendon ang UAAP flag kay UE President CarmeÂlita Mateo dahil ang Warriors ang siyang magiging punong-abala sa Season 77. (AT)
- Latest
- Trending