^

PSN Palaro

Lim sasalang na sa aksyon sa Mitsubishi netfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginagarantiya ni US coach Ollie Townsend na ibang AJ Lim ang mapapanood ng mga mahihilig sa tennis sa pagsalang niya sa 25th Mitsubishi Lancer International Tennis Championships ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang 14-anyos na si Lim ay nasa pangangalaga ni Townsend sa L’Academie de Tennis (LAT) Academy sa Florida na pag-aari ng dating Filipino age grouper Patrick Carpio at apat na buwan na siyang nagsasa­nay dito.

Ayon kay Townsend malaki ang potensyal ni Lim na makilala sa larangan ng tennis dahil sa edad niya ngayon ay hanga na siya sa larong ipinakikita niya.

“At 14, expectations is limitless,” ani Townsend nang humarap sa mga mamamahayag kahapon.

Si Lim ang natatanging Filipino player na direktang  nakapasok sa main draw sa Grade 1 tournament na magtatagal sa loob ng isang linggo.

Hindi naman pinangako ng 46-anyos na coach na magkakampeon si Lim dahil pinakabata pa rin siya sa mga kasali pero tiyak na marami siyang ma­papahirapan.

Hindi rin nagbigay ng anumang prediksyon si Lim sa gagawing kampanya kungdi ang ibibigay lamang ang  lahat ng makakaya.

“Goal ko po ngayon ay iimprove ang skills ko. Sa ngayon, gusto kong makita ang level ko sa pagsali ko sa Mitsubishi at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Kung mag-champion bakit hindi pero di  ko ito masasabi dahil bilog ang bola,” wika ni Lim na nakasali na rin sa tatlong Men’s Futures qualifying sa US sa taong ito.

vuukle comment

AYON

GINAGARANTIYA

LIM

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL TENNIS CHAMPIONSHIPS

OLLIE TOWNSEND

PATRICK CARPIO

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SI LIM

TOWNSEND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with