Solano, Torres kampeon sa 21K Run United 1
MANILA, Philippines - Kuminang ang UAAP Most Valuable Player ng UE na si Richard Solano at duathlete/triathlete Monica Torres nang pagharian nila ang 21K distance ng Run United I kahapon sa Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Si Solano na kampeon sa 10000m, 5000m at 3000m steeple chase bukod sa pilak sa 1500m run sa UAAP track and field ay naorasan ng isang oras, 16 minuto at 52 segundo at walang nakasabay sa kanya dahil wire-to-wire na pagtatapos ang kanyang ginawa.
Ang dating kampeon ng Tri-United na si Benjamin Rana Jr. ang pumangalawa sa tiyempong 1:22:09 bago tumawid sa ikatlong puwesto si Andy Popo sa 1:23:33 oras.
“Hindi ko inaasahan na manalo rito. Podium fiÂnisher ako sa mga 10K at 5K pero mahaba ang kaÂrera at magagaling din ang mga kalaban,†wika ni Solano.
Ipinakita naman ni Torres ang angking lakas sa resistensya nang iwanan ang naunang nakasabaÂyan na si Irene Kipchumba ng Kenya matapos ang unang walong kilometro ng karera tungo sa pagsungkit ng titulo sa kababaihan.
May 1:28:20 oras si Torres at mahigit na walong minuto ang inilayo niya kay Kipchumba sa 1:36:50 oras. Si Kristy Abello ang pumaÂngatlo sa 1:47:08 oras.
Umabot sa 12000 ang mananakbo na sumali sa pakarera ng Unilab at may 5000 ang sumali sa 21K, 4000 ang tumugon sa 10K habang 3000 ang nakiisa sa 5K.
Sina Elphiz Kiptarus ng Kenya at Cinderella Lorenzo ang nanguna sa 10K sa 29:36 at 38:21 marka habang sina Rafael PoliÂquit Jr.l at Janette Lomidao ang nanguna sa 5K race sa oras na 14:56 at 18:27. (AT)
- Latest