Valdez kinilala ang galing ng Thai coach
MANILA, Philippines - Hindi magagawa ng AteÂneo ang makasaysaÂyang pagtatapos sa UAAP women’s volleyball kung hindi dumating ang Thai coach na si Anusorn “Tai†Bundit.
Ganito tinuran ni team captain Alyssa Valdez ang ginawang kampanya ng koponan sa Season 76 na kung saan naibulsa ng Lady Eagles ang kauna-unahang titulo sa women’s volleyball nang wakasan ang tatlong taong dominasÂyon ng La Salle sa ‘di inaasaÂhang 25-24, 26-24, 25-21, straight sets panalo noong Sabado sa nag-uumapaw na Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bago ito ay dalawang beÂses na pumasok din ang Ateneo sa Finals sa huling dalawang season pero talunan sila ng Lady Archers sa pagmamando ni coach Roger Gorayeb.
Tinuran ni Valdez na ang pagpapakita ni Bundit ng kanyang nararamdaman sa loob ng playing court ay nakatulong ng maÂlaki para lalo silang maging inspirado sa paglalaro.
“Malaking factor na dumating si coach Tai. SinaÂsabihan niya kami lagi you are a good player if you believe you can win, you can win. So bakit ikaw as a player magda-doubt ka gayong ‘yung coach mo nagtitiwala sa iyo,†wika ni Valdez.
Idinagdag pa niya na kapag ang manlalaro ay nakasalang sa court, one percent na lamang ang skills dahil halos lahat ng manlalaro sa liga ay mahuhusay kaya’t ang 99 percent ay pawang psychological.
“Yun ang ibinigay niya sa amin. Coach Tai is more of a psychological coach as in everyday isa-psyche ka niya na minsan hindi mo malaman kung galit ba siya. Nag-work talaga ito sa amin,†dagdag ni Alyssa.
Si Tai din ang nagpauso ng meditation sa mga manlalaro sa pagtatapos ng bawat set upang ma-relax ang mga ito na isa rin sa diskarteng naghatid ng panalo.
Marami ang hindi nakapaniwala sa naabot ng Lady Eagles na tumapos lamang sa ikatlong puÂÂwesto sa elimination round at kinailangang alpasan ang limang knockout games, kasama ang deciÂding Game Four laban sa Archers.
Unang kinalos ng Lady Eagles ang Adamson sa pagsisimula sa step ladder semifinals bago isinunod ang second seed National University sa dalawang magkasunod na laro.
Dehado rin ang Ateneo sa Finals dahil may thrice-to-beat advantage ang Lady Archers bunga ng 14-0 sweep sa elimination round.
Ngunit inalis agad ng Ateneo ang bentahe ng La Salle nang kunin ang Game One sa apat na sets. Lumapit ang Lady Archers sa isang panalo tungo sa makasaysayang ‘4-peat’ nang magwagi sa ikalawang salpukan na umabot din sa apat na sets.
Pero hindi paaawat ang Lady Eagles na naipakita ang puso matapos itakas ang five-setter panalo sa Game Three at ang moÂmenÂtum na ito ay hindi na binitiwan noong Sabado.
Si Valdez ang siya ring lalabas bilang kauna-unaÂhang manlalaro na itinalaga bilang MVP sa Season at Finals pero hindi niya inangkin ang kredito sa panalo.
“Everyone played realÂly well. Naging blessing in disguise sa amin ang mga nangyaring injuries kina Ana (Gopico) at Margarita (Tejada). Nawala rin si coach Tai sa first round meeting with La Salle. Pero nag-adjust kami sa rotation and every game talagang focused kami sa ipinagagawa ni coach. Nag-double time kami so siguro iyon din ang nag-push pa sa amin kung bakit kami nakaabot dito,†dagdag ni Valdez.
Si Amy Ahomiro na ginawang middle spiker matapos ang injury kay Gopico ay lumutang ang laro sa Finals tulad ng mga baguhang sina Michelle Kathereen Morente at setter Julia Melissa Morado at Jorella Marie De Jesus.
Ang nagbigay ng maÂtÂinding depensa ay ang liberong si Dennis Michelle Lazaro.
- Latest