Tigerscribes kinuha ang 4-0 record sa PGBL
MANILA, Philippines - Tinalo ng Tigerscribes ang San Miguel Beer DrinÂkers, 70-57, para kunin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa PSA-PSC-Smart Pakitang Gilas BasÂketÂball League WilCab Cup noÂong Lunes ng gabi sa RiÂzal Memorial Coliseum.
Sa likod nina Cedelf TuÂpas ng Philippine Daily InÂquirer Cedelf Tupas at DieÂgo Dela Paz ng Business Mirror, bumandera ang TiÂgerÂscribes sa first half bago pigilin ang pagÂlapit ng Beer DrinÂkers sa third quarter at iposte ang 4-0 baraha sa torÂneong itiÂÂnataguyod ng PhiÂlippine Sportswriters Association, Philippine Sports Commission at Smart.
Sa ikalawang laro, tumiÂpa ng San Mateo Spurs ng 68-58 panalo kontra sa nagdedepensang Charlie's Dymons sa isang rematch ng Season 2 Finals.
Bumangon ang Spurs mula sa isang 10-point first half deficit para iposte ang 2-1 record sa cagefest na suÂportado ng PRC, Milo Best, ACCEL at Magnolia Purewater.
- Latest