Knicks pinatumba ang Sixers
NEW YORK -- Nakatanggap ng sapat na tulong si Carmelo Anthony para gibain ang bumubulusok na PhÂiladelphia 76ers.
Umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 28 points para paÂngunahan ang New York Knicks sa 123-110 panalo konÂtra sa 76ers.
Ipinalasap ng Knicks sa Sixers ang pang-17 sunod nÂitong kamalasan.
Nagdagdag si Amare Stoudemire ng 23 points, haÂbang may tig-22 sina Anthony at J.R. Smith para sa ikaÂapat na sunod na panalo ng Knicks .
''I love nights like this,'' sabi ni Anthony. ''Four guys with 20-plus points. Sharing the ball. Making plays. Having fun out there. Taking the load off me. I love nights like that.''
Binuksan ni Hardaway ang fourth quarter mula sa isang 3-pointer at nagsalpak ng 5-of-8 fieldgoals para sa 21-point lead ng Knicks sa 76ers.
Kinuha ng 76ers ang 67-66 abante mula sa dalawang free throws ni Jarvis Varnado sa 10:22 minuto sa third quarter, ngunit umiskor ang Knicks ng walong sunod na puntos para agawin ang unahan sa 74-67.
Nagposte naman si Michael Carter-Williams ng isang triple-double sa kanyang 23 points, 13 rebounds at 10 assists sa panig ng Philadelphia, nalugmok sa pinakamaÂhaba nilang kamalasan sapul noong 1972-73 season.
Sa Miami, humugot si Dwyane Wade ng 13 sa kanÂyang 22 points sa final period, habang umiskor si LeÂBron James ng 23 points para ibigay sa Miami Heat ang isang playoff spot matapos igupo ang Washington Wizards, 99-90.
Winakasan ng Heat ang kanilang three-game losing slump.
- Latest