Sa pagbubukas ng PBA D-league aspirants cup Giants palalakasin ni Canada
MANILA, Philippines - Ang pagpasok ng beÂteranong guard na si Jerick Canada ang siyang nakikitang rason ng Jumbo Plastic Giants para maniwalang kaya nilang higitan ang magandang tinapos sa Aspirants Cup sa gagaÂnaping PBA D-League Foundation Cup.
Si Canada ay naging Filipino import ng Indonesia Warriors sa ASEAN Basketball League (ABL) at ang karanasan niya ang makakatulong para gaÂbayan ang batang koponan na Giants.
“We are a young team pero maganda ang projection namin this conference dahil may beteranong point guard na kami,†wika ni Giants assistant coach Joel Dualan.
Hindi na makakasama ng Jumbo Plastic ang pambatong sentro na si Jason Ballesteros na kinuha ang alok na maging practice player ng San Miguel Beer.
Pero nakuha ng kopoÂnang hinahawakan ni head coach Stevenson Tiu si dating Mapua center Mike Parala para punuan ang nasabing puwesto.
Wala na rin sa koponan sina Dave Najorda, Harold Arboleda, John Melegrito, Lyle Antipuesto at Justin Alano pero kinuhang kapalit sina Lee Denice Villamor at Jopher Custodio.
Ito ang ikatlong confeÂrence ng pagsali ng Giants at galing sila sa pagtapak sa quarterfinals sa Aspirants Cup.
Tumapos sila sa ikatlong puwesto sa elimination round at hinawakan ang twice-to-beat advantage ngunit ang kawalan ng karanasan sa paglalaro sa round na ito ay nagresulta upang matalo sila ng dalawang sunod sa Blackwater Sports.
“Sayang. But we’re a young team and we still have a lot of room for improÂvement,†dagdag ni Dualan.
Sampung koponan sa pangunguna ng nagdedepensang kampeon Elite ang magbabanggaan sa Foundation Cup na magsisimula na sa Marso 24 sa The Arena sa San Juan City.
Nagpalakas din ang Elite sa paghugot sa sentro na si Reil Cervantes bukod sa mga guards na sina Don Trollano at John Pinto.
Bagamat lahat ng koponang kasali ay palaban sa titulo, ang tiyak na makakaribal ng Blackwater ay ang NLEX Road Warriors.
- Latest