Blackwater nagpalakas para sa pagdedepensa ng titulo
MANILA, Philippines - Humugot ng tatlong baÂguhan ang Blackwater Sports para pagtibayin ang tangkang pagdepensa sa PBA D-League Foundation Cup title.
Sina Reil Cervantes, Don Trollano at John Pinto ay maglalaro na sa Elite sa Foundation Cup na magÂbubukas sa Marso 24.
Si Cervantes ay daÂting sentro ng Big Chill na pumaÂngalawa sa NLEX sa Aspirants Cup habang sina Trollano at Pinto ay sumabak sa Cagayan Valley.
Masidhi ang hangarin ng tropa ni coach Leo Isaac na maidepensa ang titulo para makabawi sa kinapos na kampanya sa Aspirants Cup.
Umabot ng semifinals ang Elite at tinalo ang Big Chill sa Game One pero nabigo sila sa sumunod na dalawang laro sa best-of-three series para maunsiyami ang hangad na ikalaÂwang sunod na pagtapak sa championship round.
“Mataas ang morale ng team. We look forward to a good conference,†paÂhayag ni Isaac.
Naniniwala rin si Isaac na totodo sa paglalaro ang mga inaasahan lalo pa’t balak ng koponan na sumali sa PBA sa susunod na season.
Sampung koponan ang maglalaban-laban sa Foundation Cup sa pamumuno ng Aspirants Cup titlist NLEX.
Ang Road Warriors ang siyang tinalo ng Elite para sa titulo kaya’t asahan ang pagnanais ng tropa ni coach Boyet Fernandez na mabawi ito.
Ang iba pang kasali ay ang Big Chill, Cagayan Valley, Café France, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Jumbo Plastic, Hog’s Breath Café at Derulo Accelero.
- Latest