Buwenamano sa Express
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. San Miguel Beer vs Meralco
8 p.m. Barako Bull
vs Ginebra
MANILA, Philippines - Unang kabiguan para kay bagong Globalport head coach Pido Jarencio at point guard Alex Cabagnot.
Sa likod ng matikas na paglalaro nina import Herve Lamizana, Mac Cardona at Mark Borboran sa fourth quarter, pinataob ng Air21 Express ang Batang Pier, 83-78, sa pagbubukas ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor ang 6-foot-9 na si Lamizana, tubong Ivory Coast, ng 20 sa kanyang 2 points sa second half para sa unang panalo ng Air21, habang kumamada naman si Cardona ng 9 markers at may tatlong free throws si Borboran sa final canto.
“Good thing our import picked up his game in seÂcond half,†sabi ni mentor Franz Pumaren, nakahugot ng 21 points kay Joseph Yeo at 14 kay 6’9 Asi Taulava.
Sa kabila ng pangaÂngaÂpa ni Lamizana ay naitala pa rin ng Air21 ang isang 10-point lead, 20-10, sa first period bago naagaw ng Globalport ang unahan, 78-77, mula sa split ni balik-import Evan Brock sa huling 1:32 ng fourth quarter.
Nagsalpak naman si Borboran ng tatlong free throws para ilayo ang Express sa 82-78 sa natitirang 18.2 segundo.
Air21 83 -- Lamizana 22, Yeo 21, Taulava 14, Cardona 11, Borboran 6, Villanueva 4, Burtscher 2, Sharma 2, Jaime 0, Poligrates 0, Matias 0, Camson 0, Manuel 0.
Globalport 78 -- Brock 28, Chua 10, Washington 9, Macapagal 8, Custodio 8, Cabagnot 4, Garcia 4, Romeo 3, Yee 2, Salva 2, Nabong 0, Ponferada 0, Salvador 0.
Quarterscores: 22-14; 40-45; 66-56; 83-78.
- Latest