Laursen matagumpay na naidaos ang MMA event para sa mga biktima ni Yolanda
MANILA, Philippines - Matagumpay na naiÂdaos ni Fil-Danish world Muay Thai at MMA champion Ole Laursen ang amateur Mixed Martial Art weekeend event sa Legacy Gym Complex sa Diniwid road sa Boracay.
Walong laban ang iti-nampok sa naturang fight card na nagpakita sa mga MMA fighters mula sa Sweden, Brunei at Pilipinas.
Kasama sa naturang two-day event ang isang amateur MMA fight at libÂreng seminar sa Muay Thai at Brazilian Jujitsu na personal na pinangasiwaan ni Laursen.
Ang kanyang hangarin ay ang makapag-develop ng mga fighters na maaÂaring lumaban sa world stage kagaya ng UFC.
Ang event ay hindi lamang para sa training at entertainment kundi para na rin sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.
Ang mga natipong pon-do ay gagastusin para sa mga gamot.
- Latest