Ateneo ang haharap sa La Salle sa WV finals
MANILA, Philippines - Isinantabi ni Alyssa Valdez ang pananakit ng sakong sa kinamadang 16 kills at limang blocks upang ipakita ang matinding determinasyon ng Ateneo na kinalos na ang National University, 25-22, 8-25, 25-19, 25-22, sa pagtatapos ng UAAP women’s volleyÂball semifinals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Naibalik ng Ateneo ang kumpiyansa na tila nawala nang ilampaso sila ng Lady Bulldogs sa second set para makumpleto ang 2-0 panalo at umabot uli sa chamÂpionship round sa ikatlong sunod na pagkakataon.
Si Valdez na tumapos taglay ang 22 puntos, ay hindi napigil pero malaki rin ang iniambag sa panalo nina Jorella de Jesus, Amy Ahomiro, Michelle MoÂrente at liberong Dennise Lazaro para makuha uli ang karapatang labanan ang three-time defending champion La Salle.
Naghatid si De Jesus ng 12 puntos tampok ang walong kills at tig-dalawang blocks at aces, habang si Ahomiro ay may siyam na puntos tulad ni Morente
Ang service ace at hit ni Ahomiro ang nagbigay sa Ateneo ng 12-10 kalamangan sa ikatlong set bagay na hindi na binitiwan ng koponan para umangat sa 2-1 karta.
Sina Dindin at Jaja Santiago ang nanguna uli para sa Lady Bulldogs sa kanilang 19 at 14 puntos pero hindi nila naibigay angmahahalagang puntos dahil sa husay sa pagdepensa ni Lazaro na may 16 digs.
Ang nasa huling taon ng paglalaro na si Dindin ay nagtala rin ng krusyal na error sa serve para ibigay sa Ateneo ang 24-22 kalamangan sa fourth set at si Valdez ang siyang kumuha sa winning point upang magdiwang ang libu-libong panatiko ng Lady Eagles.
Sa Miyerkules sisimulan ang Finals sa women’s volleyball at mas mahirap na ruta ang dadaanan ng Ateneo dahil may thrice-to-beat advantage ang Lady Archers.
Lumapit naman ang National University sa haÂngad na ikalawang sunod na titulo sa men’s division nang lapain ang Ateneo, 29-27, 25-22, 25-22, sa Game One ng Finals.
Solidong depensa maÂtapos magtala ng 10-5 abante ang Bulldogs sa Eagles ang nakatulong nang husto sa NU para mangailangan na lamang ng isang panalo tungo sa pagwalis sa titulo.
- Latest