^

PSN Palaro

Mixers, Kings at Beermen hahamon sa Aces sa Commissioner’s Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Awtomatikong ibinilang ni Alaska head coach Luigi Trillo ang San Mig Coffee, Barangay Ginebra at San Miguel Beer, dating Petron Blaze, sa mga inaasahang hahamon sa kanila para sa darating na 2014 PBA Commissioner’s Cup.

Muling ipaparada ng Aces si Best Import Robert Dozier sa kanilang pagtatanggol sa korona sa torneong magsisimula sa Miyerkules.

Kaagad na makakatapat ng Alaska sa pagbubukas ng torneo ang Talk ‘N Text sa ganap na alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng Globalport at Air21 sa alas-5:45 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Winalis ng Aces ang Gin Kings, 3-0, sa kanilang maik­ling best-of-five championship series para angkinin ang PBA Commissioner’s Cup noong nakaraang taon.

Ngayong taon ay nagpalakas ang Ginebra sa pagkuha kina seven-foot rookie Greg Slaughter at 6’8 forward Japeth Aguilar bukod pa sa pagpaparada kay import Leon Rodgers.

Ang iba pang import na makikita sa aksyon ay sina Joshua Dollar (Barako Bull), Herve Lamizana (Air21), Evan Brock (Globalport), Alexander McLean (Rain or Shine), Richard Howell (Talk ‘N Text) at Brian Butch (Meralco).

 

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT ROBERT DOZIER

BRIAN BUTCH

EVAN BROCK

GIN KINGS

GLOBALPORT

GREG SLAUGHTER

HERVE LAMIZANA

N TEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with