^

PSN Palaro

James, Wade humataw sa Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Nagposte si LeBron James ng 31 points, habang nagdag­dag ng 23 si Dwyane Wade at kumamada ang Heat sa third quarter para ta­lu­nin ang New York Knicks, 108-82.

Bagamat may suot na itim na maskara para protektahan ang kanyang nabasag na ilong, hindi ito nakaapekto sa shooting ni James matapos siyang magtala ng 13 of 19 shots.

Tumipa naman si Wade ng 10 for 13 fieldgoal para sa Miami, inungusan ang Knicks sa  iskoran, 23-3, sa huling 7:02 sa third period patungo sa kanilang pang-anim na sunod na panalo.

Nag-ambag sina Norris Cole, Mario Chalmers at Ray Allen ng tig-11 points para sa Heat.

Umiskor si Carmelo Anthony ng 29 points para sa New York, ngunit nabigong kumamada sa huling 21:38 ng laro.

Nagdagdag si Tyson Chandler ng 19 points at 16 rebounds, habang may 11 markers si J.R. Smith para sa Knicks, may 2-10 record sa buwan ng Pebrero.

Sa Toronto, isinalpak ni Trevor Ariza ang go-ahead basket sa isang fast-break layup sa huling 1:20 sa ikatl­ong overtime para igiya ang Washington Wizards sa 134-129 panalo kontra sa Raptors.

Tumapos si Marcin Gortat na may 31 points at 12 rebounds, habang may 31 points din si guard John Wall.

Na-foul out si Ariza at naglista ng 16 points at 10 rebounds para sa Wizards, nakamit ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Gumawa naman si Chris Singleton ng 13 points at may tig-11 sina Bradley Beal at Andre Miller para sa Washington.

Kumayod naman si De­Mar DeRozan ng 34 points para sa Toronto.

ANDRE MILLER

BRADLEY BEAL

CARMELO ANTHONY

CHRIS SINGLETON

DWYANE WADE

JOHN WALL

MARCIN GORTAT

PARA

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with