^

PSN Palaro

Mga batikang atleta sasagwan sa Manila Bay Seasports Festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sino ang tatanghaling pinakamatuling bangkero at dragon boat team?

Ang kasagutan dito ay  malalaman sa pagsasagupa ng mga batikang mananagwan sa idaraos na 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival sa Marso 8-9.

Tinatayang makikipagtagisa  ang batikang mga bang­kero mula sa Batangas, Cavite, La Union, Pangasinan, Bacolod, Iloilo, Bulacan, Navotas, Ilocos Sur, Misamis Oriental  at lalawigan ng Quezon.

Sa dragon boat race, masisilayan ang mga Olympic rowers, Southeast Asian Games medalists at miyembro ng World Champion Philippine National Dragon Boat Teams. Kabuuang 18 koponan ang nagpalista.

Ang 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival, ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Ang karera ay sisimulan sa ganap na alas-8 ng  umaga. Inimbitahan  din ang ilang tampok na mang-aawit upang mag-perform sa awarding ceremony.

BACOLOD

DRAGON BOAT TEAMS

ILOCOS SUR

LA UNION

MANILA BAY SUMMER SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

MISAMIS ORIENTAL

PHILIPPINE COAST GUARD

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with