^

PSN Palaro

Portland dinurog ang Brooklyn

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Oregon--Umiskor si Will Barton ng season-high 20 points at humakot ng career-high 11 rebounds para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 124-80 paglampaso sa Brooklyn Nets.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Blazers sa kabila ng hindi pagla­laro ni LaMarcus Aldridge, ang top scorer at rebounder ng koponan, dahil sa kanyang left groin sprain.

Nagdagdag si Mo Williams ng 21 points at may 19 si Nicolas Batum para pamunuan ang pito pang Blazers sa double figures.

Sa Los Angeles, humakot si Blake Griffin ng 23 points at 16 rebounds, habang humugot si reserve Darren Collison ng pito sa kanyang 19 points sa hu­ling 2:09 minuto at tinalo ng Los Angeles Clippers ang Houston Rockets, 101-93.

Nakamit ng Clippers ang kanilang ikaanim na panalo sa huli nilang walong laban.

Nagposte si DeAndre Jordan ng 13 points at 10 rebounds para sa kanyang ika-30 double-double.

Sa Memphis, Tennessee, iginupo ng Grizzlies ang bisitang Los Angeles Lakers, 108-103.

Tumipa si Courtney Lee ng 18 points, habang kumolekta si Marc Gasol ng 14 points at 12 rebounds para sa Grizzlies na nalampasan ang matinding 3-point shooting ng Lakers sa fourth quarter.

Nag-ambag si Tony Allen ng 17 points para sa Memphis kasunod ang 14 ni James Johnson at 13 ni Zach Randolph.

Pinamunuan ni Jodie Meeks ang Lakers sa kanyang 19 points at nagdagdag ng 18 si Wesley Johnson at 17 si Pau Gasol na humugot ng 10 rebounds.

BLAKE GRIFFIN

BROOKLYN NETS

COURTNEY LEE

DARREN COLLISON

HOUSTON ROCKETS

JAMES JOHNSON

JODIE MEEKS

LOS ANGELES CLIPPERS

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with