Pacers ibinaon pa ang Lakers
INDIANAPOLIS--Nagposte si Paul George ng 20 points, 7 rebounds at 6 assists, habang nagtala ng double figures ang bagong hugot na si Evan Turner at lima pang Pacers para gibain ang Los Angeles Lakers, 118-98.
“We’re probably one of the deepest teams in the NBA, where one through 15 can actually really play,’’ sabi ni Pacers guard George Hill matapos umiskor ng 14 points.
Bukod sa pagkuha kay dating All-Star center Andrew Bynum, dinala din ng Pacers si All-Star Danny Granger sa Philadelphia bilang kapalit nina Turner at Lavoy Allen.
Tumapos si Turner na may 13 points at 6 reÂbounds at iginiya ang PaÂcers bench sa isang season-best 50 points.
Sa Denver, umiskor si Damian Lillard ng 31 ponts para saluhin ang naÂiwang trabaho ni All-Star LaMarcus Aldridge at igiya ang Portland Trail Blazers sa 100-95 pagtakas sa Denver Nuggets.
Humugot si Lillard ng 12 sa third quarter kung saan tila ilalampaso ng Blazers ang Nuggets.
Ngunit nagbida si Lillard sa fourth period nang makabangon ang Nuggets mula sa isang 18-point deficit sa dalawang puntos na agwat.
Nalampasan ng Portland ang itinalang career-high 25 rebounds ni J.J. Hickson para sa Denver.
Ito ang ikaapat na sunod na laro na iniupo ni Aldridge dahil sa kanyang strained left groin.
Anim na Blazers ang nagposte ng double fiÂgures, kasama rito ang 16 points ni Nicolas Batum.
Sa Phoenix, tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Phoenix Suns, 110-101, tampok ang 33 points, 13 rebounds at 9 assists ni Kevin Love.
Bumangon ang Timberwolves mula sa isang eight-point deficit sa huling 7:57 ng laro nang umiskor ng 24 points kumpara sa 6 ng Suns.
Sa Cleveland, humugot si DeMar DeRozan ng 16 sa kanyang 33 points sa fourth quarter para tuluÂngan ang Toronto Raptors sa 99-93 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang ikaanim na paÂnalo ng Raptors sa kanilang huling pitong laro.
- Latest