Roach sisimulan na ang sparring ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Kung hindi magbabago ang plano, hindi malayo na sa araw na ito simulan ang sparring ni Manny Pacquiao sa patnubay ng trainer na si Freddie Roach.
Si Roach ay dumating ng General Santos City mula Macau kahapon para siÂÂmulan ang preparasyon ni Pacman kay WBO welterweight champion Timothy Bradley.
Si Lydell Rhodes ay nasa Gensan na rin para sa intensibong sparring upang maÂtiyak na nasa magandang kondisyon si Pacquiao kapag lumipat ang paghahanda sa Wild Card Gym sa huling lima o apat na linggo.
“Sparring may begin tomorrow,†wika ng adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz na nakasama ni Roach na dumating mula Macau.
Si Roach ay nasa tabi ni Zou Shiming nang pinatulog nito si Yokthong Kokietgym ng Thailand noong Sabado sa Cotai Arena sa Macau.
“Everything is good. Manny has been working out everyday,†dagdag ni Koncz sa kondisyon ng Pambansang kamao.
Hanap ni Pacquiao ang kumbinsidong panalo kay Bradley para maibaon sa limot ang kontrobersyal na split decision pagkatalo sa unang pagtutuos noong 2012.
Nangako si Roach na ibabalik ni PacÂÂquiao ang pormang kinatakutan sa kanya noong pinatutulog niya ang mga nakalaban.
Kapag lumipat na ng LA ang pagsasanay, lalalim pa ang sparring sessions sa paghugot sa mga dating world champions na sina Steve Forbes at Kendall Halt.
Hindi naman tinugon ni Koncz kung sa unang linggo ng Marso ang lipad ng Team Pacquiao patungong US.
“We don’t know yet,†ani nito.
- Latest