Martinez nakatanggap ng P100K bonus sa Muntinlupa
MANILA, Philippines — Matapos magbigay ng karangalan sa bansa, makatatanggap ng P100,000 “bonus gift†ang natatanging Pilipinong atleta sa 2014 Winter Olympics na si Michael Christian Martinez mula sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City.
Kinilala ngayong Lunes ng Muntinlupa ang kagitingan ni Martinez na umabot sa medal round ng men's figure skating championship sa Sochi, Russia.
Nitong Pebrero 17 ay naghain ng resolusyon ang konseho ng lungsod upang bigyan ng bonus si Martinez.
Nakabalik sa bansa si Martinez kahapon kung saan binigyan siya ng hero’s welcome.
Mula sa ika-30 puwesto sa qualifiers, nakatawid sa medal round si Martinez at nagtapos sa ika-19 puwesto.
Kaugnay na balita: Martinez wala nang problema sa paggamit ng skating rinks
Umaasa si Martinez na muling makabalik muli sa world stage sa 2018 sa South Korea.
Samantala, nakatadang lumabas muli ng bansa si Martinez sa Huwebes upang paghandaan naman ang World Junior Figure Skating Championships sa Marso 10 hanggang 16 sa Bulgaria.
Hindi na rin naman mamomroblema si Martinez sa paggamit ng mga ice skating rings sa bansa matapos gawaran ng Lifetime Skating Privilege ng SM Prime Holdings, Inc.
- Latest