24 high school champion teams sa Seaoil-NBTC national finals inihayag na
MANILA, Philippines - Kabuuang 24 high school champion teams mula sa buong bansa, hahatiin sa dalawang dibisÂyon, ang bubuo sa 2014 Seaoil NBTC League National High School Finals sa Marso 6-9 sa Meralco gym at sa Ynares Sports Center sa Pasig.
Ang Division I ay kiÂnabibilangan ng St. FranÂcis of Assisi College (North Cavite), Sacred Heart School-Ateneo and University of San Carlos (Cebu), West Negros College (Bacolod), Iloilo Central Commercial High, Sacred Hearth of Jesus Montessori (Cagayan de Oro), Southern City College (Zamboanga) at mga qualifiers mula sa Metro Manila Basketball League (MMBL) na Chiang Kai Shek, Hope Christian High at National University (Teams A and B).
Nasa Division II naman ang De La Salle-Lipa, Jesus the Loving Shepherd (Naga), University of the Cordilleras (Baguio), Divine World Academy of Dagupan, Olongapo City National High, University of Assumption (San Fernando, Pampanga), Bethel Baptist Christian (Bukidnon) at mga MMBL qualifiers na College of San Benildo, Trinity University of Asia, Reedley International School at Jubilee Christian Academy.
Hindi pa natatapos ng Mandaue ang kanilang provincial tournaments para piliin ang kanilang kinatawan sa Division II sa torneong itinataguyod ng Seaoil at suportado ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex, Philippine Star at Molten.
Ang Seaoil HS All Star-Game, kasama ang championship ng Division 1 at Division 2, ay lalaruin sa Marso 9 sa Ynares Sports Arena at isasaere sa BTV.
“We’re all set. This is what everybody has been waiting for - the 24 best high school teams in the land,†ani program director Eric Altamirano, kasama sina national training director Alex Compton, na siyang mangangasiwa sa proyekto na magsisilbing official grassroots development program ng SamaÂhang Basketbol ng Pilipinas.
- Latest