^

PSN Palaro

Mainit na pagsalubong kay Martinez handa na

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit na pagsalubong ang igagawad kay Michael Christian Martinez sa pag­da­ting ng bansa bukas mula sa paglahok sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.

Ang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater na pumasok ng Winter Games ay bibigyan ng motorcade na sisimulan sa ganap na alas-4 ng hapon at mula airport ay dadalhin siya sa Mall of Asia Ground sa Pasay City.

Nangunguna sa magarbong pagsalubong ang SM Prime Holdngs Inc. na pinamumunuan ni Hans Sy,  ang chairman ng Philippine Skating Union, at siyang sumagot sa halos lahat ng gastusin ng 17-anyos na si Martinez.

“We are very proud of Michael. Not only did he give honor to our country, but he is also a shining example for the youth as someone who saw no limits to what he can achieve,” ani Sy na ang pamilya ang nagmamay-ari sa SM Group of Companies.

Tumapos si Martinez sa ika-19th puwesto mula sa 24 na umusad sa medal round sa dalawang araw na kompetisyon sa Iceberg Skating Palace matapos makalikom ng 184.25 puntos.

Sa SM Southmall unang nagsanay si Martinez noong walong taon gulang pa lamang siya at sa kanyang paglalaro ay nanalo na ng 194 medalya sa local at international tournaments na sinalihan.

Matapos ang nakuhang karanasan, si Martinez ay nangakong huhusayan pa ang pagsasanay para ma­kamit ang hangaring makasali sa 2018 Winter Ga­mes sa Pyeongchang, South Korea.

Nanguna na sa nanga­kong tutulong sa panganga­ilangan ni Martinez si businessman/sportsman Manny V. Pangilinan gamit ang kan­yang MVP  Sports Foundation.

GROUP OF COMPANIES

HANS SY

ICEBERG SKATING PALACE

MALL OF ASIA GROUND

MANNY V

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

PASAY CITY

PHILIPPINE SKATING UNION

PRIME HOLDNGS INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with