MVP ‘di pababayaan si Martinez
MANILA, Philippines - Isama na ang kauna-unahang figure skater ng Pilipinas at South East Asia na si Michael Christian Martinez sa mga susuportahan ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.
Sa isinagawang InteraksyonWithMPV sa twitter kamakailan, kinilala ni PaÂngilinan ang husay ni Martinez nang tumapos siya sa ika-19th puwesto sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Ang ipinakita ni Martinez ay nagtulak kay MVP na gantimpalaan siya ng $10,000.00 (P450,000.00).
Dati ng kabilang si Martinez sa mga sinusuportahan ni Pangilinan ngunit ang naabot ay tiyak na maglalagay sa kanya bilang isa sa mga magiging prayoridad sa MVP Sports Foundation.
“Michael needs more training and more exposure abroad. We’d like to support him,†tweet ni Pangilinan.
Marami ang nakisali sa interaksyon at ang usapin ay sumakop din sa ibang mga plano ng sports patron para sa ikagaganda ng palaÂkasan sa bansa.
Ang pinakamalaking naiÂbalita ni MVP ay ang planong dalhin ang mga tanyag na tennis players sa mundo para maglaro sa Pilipinas.
Tinuran niya ang number one male netter na si Rafael Nadal na maaaring makipaglaro alinman kina Roger Federer o Novak DjoÂkovic habang plano rin niya na imbitahan sina Serena Williams at Maria Sharapova sa kababaihan.
“Yes keen tennis fan. Yes to Nadal. Maybe Federer or Jokovich, Serena vs Sharapova,†ani MVP.
Ang plano ay umani ng pananabik na pagtugon ng mga naka-tweeter ng neÂgosyante.
“Would love to see a match between @RafaelNadal vs @rogerfederer in Manila. Make this happen. Pleaaaaase†tweet ng isang Kaye Miranda.
Kung matuloy, ito ang magiging kauna-unahang malalaking pangalan sa tennis na dadayo para maglaro sa Pilipinas. (AT)
- Latest