^

PSN Palaro

Lapaza P300K na lang ang maiuuwi sa pamilya mula sa P1-M premyo sa Ronda

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabuuang P1 milyon ang napanalunan ni Rei­mon Lapaza matapos pag­harian ang katatapos lang na Ronda Pilipinas International 2014.

Ngunit dahil isang koponan silang sumali sa nasabing cycling event, higit-kumulang sa P300,000 na lamang ang kanyang maiuuwi para sa kanyang pamilya sa Butuan City.

“Pag-uusapan pa namin kung ano ang gagawin sa pera,” sabi ng 27-anyos na motorcycle mechanic at miyembro ng Cycleline-Butuan Mindanao kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s Manila.

Sa kabuuan, kumolekta ang tropa na ginagabayan ni Lito Patayan bilang team manager, ng P1.3 milyon sa nasabing 16-day cycling marathon na sumakop sa 1,700 kilometro.

“Hinati-hati namin ‘yung P1.3 million para sa ginastos ng buong team sa pagkain, sa pagsali sa Ronda Pilipinas,” wika ni Patayan.

Nakatakdang umuwi ngayong araw sina Lapaza at Patayan at ang buong tropa ng Cycleline-Butuan Mindanao sa Butuan City para sa isang hero’s welcome.

vuukle comment

BUTUAN CITY

CYCLELINE-BUTUAN MINDANAO

HINATI

KABUUANG

LAPAZA

LITO PATAYAN

PATAYAN

RONDA PILIPINAS

RONDA PILIPINAS INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with