^

PSN Palaro

San Miguel Beer balik PBA, mas palalakasin ang tama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagbabalik ng San Miguel Beer sa PBA ay kasabay nito ang pagbabago sa kanilang timpla sa paparating ng Commisioner’s Cup.

Iniangat si Biboy Ravanes bilang kanilang head coach kapalit ni Gee Abanilla matapos silang malaglag sa semi-finals ng All Filipino Cup kontra Rain or Shine.

Kumuha din ang San Miguel Beermen, na dating Petron Blaze Boosters, ng mga bagong manlalaro sa ngalan nina Sol Mercado at Rico Maierhofer.

Pumasok sa isang complex trade deal ang San Miguel kasama ang Globalport, Barako Bull at Air21.

Nakuha ng Beermen si Mercado kapalit ni Alex Cabagnot, habang napunta sa kanila si Maierhofer mula sa Enery Cola kapalit ni Jason Deutchman at ang kanilang second round picks sa 2016 at 2017 rookie draft.

Inaprubahan din ni commissioner Chito Salud ang paglipat ni Leo Najorda mula Globalport patungong Barako Bull, habang pinadala ng Enegy Cola si Jonas Villanueva sa Air 21.

Napunta naman ang combo guard na si Bonbon Custodio sa Global Port mula ng Air 21.

Hindi naman lumusot kay Salud ang paglipat ni Yousef Taha mula San Miguel kapalit ni Justin Chua ng Global Port.

ALEX CABAGNOT

ALL FILIPINO CUP

BARAKO BULL

BIBOY RAVANES

BONBON CUSTODIO

CHITO SALUD

ENEGY COLA

ENERY COLA

GLOBAL PORT

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with