Sino ang haharap sa NLEX sa finals?
MANILA, Philippines - Tatlong taon na ang nakalipas nang huling tumapak ng PBA D-League Finals ang Big Chill.
Sa ganap na alas-3 ng hapon ay magkakaroon ng pagkakataon ang SuperÂchargers na wakasan ang mahabang taon ng pagÂhihintay sa pagharap uli sa Blackwater Sports sa sudden death sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa The Arena sa San Juan City.
Ang mananalo sa ikatlo at huling tagisan ng Superchargers at Elite ang siyang aabante sa best-of-three Finals laban sa multi-titled NLEX.
“I believe that we are the hungrier team. Our desire to make the Finals is what’s keeping us motivated,†pahayag ni Big Chill coach Robert Sison.
Sa Foundation Cup noÂong 2011-12 una at huling nakapasok sa Finals ang Big Chill at sila ay natalo sa Road Warriors.
Sa pamamagitan ng maÂtibay na depensa ay nakaÂbawi ang number two seed sa 72-84 pagkatalo sa Game One nang kunin ang 95-84 panalo sa ikalawang pagtutuos noong nakaraang Huwebes.
Mataas ang morale ng Superchargers bunga ng panalong iyon pero hindi sila puwedeng magkumpiyansa dahil determinado rin ang Elite na manalo para magkaroon pa ng pag-asa ang hanap na ikalawang sunod na titulo sa liga.
Pinagharian ng tropa ni coach Leo Isaac ang Foundation Cup noong nakaraang taon at masasaÂbing sanay na sila sa do-or-die game dahil ito na ang ikalimang pagkakataon na masasalang sa ganitong labanan sa conference.
“We will bounce back in Game Three,†wika ni Isaac na may kumpiyansa sa ipakikita ng mga beteranong players.
Sina Dexter Maiquez, Juneric Baloria at Jeckster Apinan ay nagsanib sa 51 puntos sa huling laro at nananalig ang mga panatiko ng Big Chill na mauulit ang magandang ipinakita sa mahalagang labanan na ito.
Bukod sa tatlo ay kailangan din na magpakita uli ang beteranong center na si Reil Cervantes para mapalakas ang kanilang inside game. (ATan)
- Latest