Garcia binigyan ng deadline ang mga atletang isasabak sa Asiad
MANILA, Philippines - May hanggang Agosto 15 na lamang ang mga Filipino athletes na gustong lumahok sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea para ipaglaban ang kanilang pagkakasama sa delegasyon.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia, ang chef-de-mission sa Incheon Games.
“They have until August 15 to prove to us that they deserve a slot to the team,†wika ni Garcia.
Idinagdag pa ni Garcia na ang naturang petsa ay bago ang itinakdang final deadline ng Incheon organizers para sa submission ng list of athletes by names.
Ang Asian Games ay nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Kasalukuyan nang tinaÂtrabaho ng Asian Games task force na pinamumunuan ni Garcia kasama sina Philippine Olympic Committee chairman Tom Carrasco, basketball official Jay Adalem at tennis official Romeo Magat ang komposisyon ng delegation.
Sinimulan na nila ang one-on-one discussions sa hanay ng mga National Sports Associations (NSAs) na nagnanais na makapagÂlahok ng atleta sa Incheon Games.
Sa mga pulong, nalaman nila kung ilang atleta ang gustong ipadala ng mga NSAs pati na ang qualifying tournaments na nais nilang salihan at ang local at foreign training.
Ang mga gold medaÂlists sa nakaraang Southeast Asian Games sa Myanmar ay nasa itaas ng listahan ng task force.
“A gold medal in Myanmar is not a sure ticket because there are SEA Games events where the gold medal will not even come close to a bronze in the Asian Games,†wika ni Garcia.
- Latest