Bryant gusto pang lumaro sa All-Star
NEW ORLEANS -- Bagamat na nalalapit na ang pagtatapos ng kanÂyang makulay na basketÂball career, sinabi ni Kobe Bryant na gusto pa rin niÂyang maglaro sa isa pang NBA All-Star game.
Ito ang sinabi ng 16-time All-Star habang nakaupo at pinanood ang 2014 edition sa kabila ng sumasakit at namamaga ang kaliwang tuhod na nagmumula sa kanyang broken leg injury.
Ayon kay Bryant, interesado siyang lumahok sa susunod na 3-point contest at ang paglalaro sa isang All-Star game “means you’re one of the best plaÂyers in the world,’’ wika ni Bryant bago ang All-Star game. “It’s obÂviously a goal of mine.’’
Natunghayan ang Los Angeles Lakers star sa anim na laro ngayong seaÂson matapos mabasag ang kanyang tibia.
- Latest