^

PSN Palaro

Team Hill wagi sa Team Webber sa NBA Rising Stars Challenge

Pilipino Star Ngayon

NEW ORLEANS – Kumolekta si Andre Drummond ng 30 points at 25 rebounds para ihatid ang Team Hill sa 142-136 panalo kontra sa Team Webber sa NBA Rising Stars Challenge na bahagi ng All-Star weekend festivities.

Isang 41 percent free throw shooter sa regular season, tumipa ang Detroit Pistons forward ng 6 for 8 ,  free throws kasama rito ang dalawa sa huling 29 segundo.

Umiskor naman si Cleveland Cavaliers star Dion Waiters ng 31 points, ang karamihan dito ay sa kanyang 1-on-1 duel kay Tim Hardaway Jr. ng New York sa second half.

Tumapos si Bradley Beal na may 21 markers para sa Team Hill na ginabayan ni dating NBA star Grant Hill.

Kumamada si Hardaway ng 36 points, habang may 17 si Philadelphia rookie Michael Carter-Williams.

Ang nasabing annual game na nagsimula bilang matchup ng mga top rookies at ginawang rookies kontra sa mga second-year players ay pinaghalo ngayon ang mga rookies at second-year cagers.

Sina Drummond at Waiters ay mga second-year players, habang sina Har­daway at Carter-Williams ay mga rookies.

Nagdagdag si Portland guard Damian Lillard, isa ring second-year player, ng 13 points, 5 rebounds at 5 assists para sa Team Hill.

Si Lillard, ang 2013 NBA Rookie of the Year, ay magiging bahagi ng limang events, kasama dito ang All-Star Saturday at ang All-Star game sa Linggo.

Ang nasabing laro ay pinanood nina All-Stars Kevin Durant, Dwight Howard at Kyrie Irving.

vuukle comment

ALL-STAR SATURDAY

ALL-STARS KEVIN DURANT

BRADLEY BEAL

CLEVELAND CAVALIERS

DAMIAN LILLARD

DETROIT PISTONS

DION WAITERS

DRUMMOND

DWIGHT HOWARD

TEAM HILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with