Vicente aminadong mahirap ang haharaping laban sa AMCVC
MANILA, Philippines - Hindi pa ibinubunyag ni National team coach Francis Vicente ang pinal na komposisyon ng kanyang binubuong koponan na isasabak para sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na inihahandog ng PLDT Home Fibr.
At dahil sa bigat ng naturang torneo ay inaasahan ni Vicente na hindi magiÂging madali ang kanilang kampanya.
“We do not expect easy matches in this tournament. We will work hard to score wins. Puso ang labanan dito! We will not be complacent against these very experienced teams,†sabi ni Vicente.
Pinamumunuan ng many-time champion na Iran, ang mga pinakamaÂbibigat na club teams mula sa China, Chinese Taipei, Hongkong, India, Iraq, Japan, Kazakhstan, Kuwait, Lebanon, Mongolia, Oman, Papua New Guinea, Qatar, Turkmenistan, UAE at Vietnam, tiyak na mahihirapan ang mga Pinoy sa kanilang debut sa nasabing regional tournament na nakatakda sa Abril 8-16.
Isasagawa ang drawing of lots ngayon sa Grand Ballroom ng New World Hotel sa Makati.
Mismong si Shanrit WongÂprasert, ang Asian VolÂleyball Confederation Executive Vice President at Chairman ng AVC Sports Events Council, ang maÂngaÂngasiwa sa draw katuwang si Organizing Committee Chairman Philip Ella Juico na dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Makakasama nila sina Philippine Volleyball FeÂderation (PVF) president Karl Chan at Gary Dujali, ang vice president for Marketing of PLDT Home Fibr.
Nagsagawa na si WongÂprasert ng inspekÂsyon sa tatlong venues na gagamitin para sa torneo.
Ang mga ito ay ang Cuneta Astrodome sa Pasay, ang Ynares Sports Center sa Pasig at ang MOA Arena sa Pasay City.
- Latest