^

PSN Palaro

Martinez masaya na sa narating

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anuman ang kalabasan ng kampanya, tagumpay na si Michael Christian Martinez dahil siya pa lamang ang natatanging Filipino at South East Asian figure skater na napasok sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.

Ang 17-anyos na si Martinez ay nasalang kagabi sa men’s figure skating na ginagawa sa Iceberg Skating Palace at hanap niya ang masama sa unang 24 mula sa 30 magtatagisan para umabante sa final round ngayon.

Bitbit niya ang personal best score na 67.01 sa short program na ginawa kagabi at naitala niya ito noong nakaraang taon sa 2013 World Junior Championships sa Milan, Italy.

Kung palarin, sa Free Skate ang tagisan ngayon at ang mangungunang tatlong manlalaro ang tatanggap ng medalya.

Bago lumaro ay nasabi na ni Martinez ang kanyang pananabik at nararamdamang kaba dahil ito ang kanyang unang pagkakataon na masalang sa ganito kalaki at prestihiyosong torneo.

“I feel excited and nervous because I will be competing against skaters who are much older than me and more experienced than me. But it’s an honor to know that I am already on the same competing level of such great skaters,” wika ni Martinez.

Sakaling hindi masama, ang makukuhang karanasan ni Martinez ay kanyang magagamit sa balak na makalahok uli sa susunod na Winter Games.

ANUMAN

BITBIT

FREE SKATE

ICEBERG SKATING PALACE

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

SAKALING

SOUTH EAST ASIAN

WINTER GAMES

WINTER OLYMPICS

WORLD JUNIOR CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with