Rhodes tinapik ni Roach na ka-spar ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Isang American lightweight prospect ang siyang kinuha ni trainer Freddie Roach para tumayong chief sparring partner ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Sinabi ni Lydell Rhodes, nagbabandera ng malinis na 19-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 9 KOs, na magtutungo siya sa Los Angeles, California para makipag-usap kay Roach bago dumiretso sa Pilipinas para simulan ang kanilang sparring ni Pacquiao sa General Santos City
“Over there, just to see how Manny gets treated over there,†wika ni Rhodes sa panayam ng HustleBoss.com. “It’s going to be like riding around with the president.â€
Nakatakda ang rematch nina Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) at World Boxing Organization (WBO) welterweight king Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Umaasa si Rhodes na makakatulong siya para sa paghahanda ni Pacquiao kay Bradley.
“First off, I just want to say it’s an honor to get into the ring with him,†ani Rhodes na kumpiyansa ring malaki ang matututuhan sa pakikipag-spar kay Pacquiao.
Apat na linggo ang gaÂgaÂwing pagsasanay ni Pacquiao sa General Santos City bago magtungo sa Wild Card Boxing Gym ni Roach sa Hollywood, CaÂlifornia para sa huling apat na linggo ng kanyang preparasyon.
- Latest