^

PSN Palaro

Jersey ni Meneses pormal nang iniretiro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakilala bilang “Aerial Voyager”  sa kanyang ka­panahunan, si  PBA great Vergel Meneses  ay pormal na nag-retiro matapos ang 16 sea­sons.

“Sa totoo lang, isa itong pinaka-memorab­leng sandali sa aking basketball career,”  pahayag ng pambato ng  Bambang,  Bulacan at Sto. Rosario, Malolos  kaugnay sa kanyang retirement  ceremony.

“Ang makita ang lahat ng mga taong nag­mamahal sa akin, kasama na ang aking mga ma­tagal na kaibigan at supporters na nagtitipon para sa aking retirement ceremony ay isang hindi malilimutang sandali,” dagdag pa ni Meneses.

Tunay na isang magandang pagtatapos  sa isa sa mga pinakapana-panabik at nakabibilib na basketball career sa itinuturing na  isa sa mga PBA’s  ‘25 Grea­test Players.’

“Madami akong dapat pasalamatan, bukod pa sa aking mga fans na sumubaybay sa akin mula college  hanggang PBA”, wika ni Meneses na head caoch  nga­yon ng Jose  Rizal University  sa NCAA at assistant coach  ng  Air21 sa PBA.

Personal na pinasalamatan ni  Meneses  ang  Lina fa­mily at si  Lito Alvarez ng  Air21,  Joey Concepcion at  Elmer Yanga  ng RFM Corp., at  Danding at  Henry Cojuangco  ng  San Miguel  group  para sa kanilang tiwala  sa kanyang paglalaro sa PBA.

AERIAL VOYAGER

ELMER YANGA

HENRY COJUANGCO

JOEY CONCEPCION

LITO ALVAREZ

MENESES

RIZAL UNIVERSITY

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with