Pagpapatala sa Seasports Festival dinumog ng mga afficionados
MANILA, Philippines - Naisagawa na kahapon ang pagpapatala para sa 2014 Manila Bay Seasports Festival na inihahandog ng Manila Broadcasting Company.
Tampok sa proyektong ito ng MBC at Lungsod ng MayÂnila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard ang pinaghalong koponan ng mga lalake at babae sa Dragon Boat Race bukod pa sa mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.
Nakatakda ang nasabing seasports festival sa MarÂso 8-9.
Mahigit sa P500,000 ang nakatayang premyo sa mga karera kung saan ay masasaksihan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga tinaguriang atletang dagat.
Tig-32 kalahok ang tatanggapin sa bawat koponan kung saan ay hahataw sila sa stock at formula races na tinaguriang “bancathon.â€
Ang 2014 Manila Bay Seasports Festival ay suportado ng Calrex, Eveready, Ginebra San Miguel, Republic Chemicals, Filinvest, M. Lhuillier, Columbia, International Food Products Inc., Manila Ocean Park at Cord Marine Epoxy.
- Latest