^

PSN Palaro

Nash binitbit ang Lakers sa panalo

Pilipino Star Ngayon

PHILADELPHIA--Ipinagdiwang ni Steve Nash ang kanyang ika-40th kaarawan sa pagpapakita ng laro ng isang manlalarong kalahati lamang ng kanyang edad.

Ang pinakamatandang NBA player sa ngayon ay tumapos ng 19 puntos, mula sa 8-of-15 shooting, bukod pa sa limang assists at apat na rebounds para ibigay sa Los Angeles Lakers ang 112-98 panalo laban sa  76ers noong Biyernes.

Ito lamang ang ikawa­long laro sa season ni  Nash, ang MVP noong 2004-05 at 2005-06 sa koponan ng Phoenix.

Ang huling 40-anyos na NBA player na gumawa ng 19 puntos o higit pa ay si dati ring Lakers player Karl Malone na gumawa ng 20 puntos noong Abril 1, 2004 laban sa Houston.

Tig-17 puntos ang ibinigay nina Wesley Johnson at Chris Kaman para sa La­kers na may anim na ma­n­lalaro na nasa double-digits para lumawig sa pitong sunod ang kabiguan ng 76ers sa kanilang tahanan.

Sa Orlando, naidakdak ni Tobias Harris ang bola bago tumunog ang final buzzer para bigyan ang Magic ng 103-102 panalo kontra sa Oklahoma City.

Nakuha ni Harris ang fast-break pass mula kay Maurice Harkless at naisan­tabi ang depensa ni Reggie Jackson para ku­nin ng Magic ang kauna-una­hang four-game winning streak sa loob ng dalawang taon.

Ni-review pa ng mga game officials ang dunk shot bago pinagtibay para tapusin ni Harris ang laro bitbit ang nangungunang 18 puntos.

May 29 puntos at 12 assists si Kevin Durant pero naisablay niya ang krusyal na jumper na nagresulta sa play kay Harris at magwakas ang limang sunod na panalo ng Thunder.

Sa iba pang laro, tinalo ng L.A. Clippers ang Toronto Raptors, 118-105; pinigil ng New Orleans Pelican ang Minnesota Timberwolves, 91-88 at giniba ng Indiana Pacers ang Portland Trail  Blazers, 118-113.

 

CHRIS KAMAN

INDIANA PACERS

KARL MALONE

KEVIN DURANT

LOS ANGELES LAKERS

MAURICE HARKLESS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NEW ORLEANS PELICAN

OKLAHOMA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with