Thrice-to-beat tutuhugin ng Lady Archers vs Tigresses
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8:30 a.m. ADMU vs UP (M)
10 a.m. FEU vs UE (M)
2 p.m. UE vs ADMU (W)
4 p.m. UST vs DLSU (W)
MANILA, Philippines - Malinaw sa three-time defending champion La Salle ang nais ng kanilang coach kung ang kampanya sa UAAP women’s volleyball ang pag-uusapan.
“Gusto naming matapos ang elims na hindi natatalo para pumasok na sa championship round na may thrice-to-beat,†wika ni Lady Archers mentor Ramil de Jesus.
Sa linyang ito, asahan ang patuloy na matalas na paglalaro ng La Salle na haharapin ang UST sa ganap na alas-4 ng hapon.
Unang magkikita sa alas-2 ng hapon ang pumapangatlong Ateneo laban sa wala pang panalong UE.
Hanap ng Lady Eagles ang ikawalong panalo na maggagarantiya sa koponan ng playoff spot para sa ikaapat na huling upuan patungong Final Four.
May 4-7 karta lamang ang Lady Tigresses pero hindi pa sarado ang pintuan sa koponan dahil kailangan nilang maipanalo ang nalalabing tatlong laro at manalangin na hindi lalampas ng pitong panalo ang FEU at Adamson para magkaroon ng playoff.
Pero kung matalo sila sa larong ito ay sasamahan ng UST ang UP at UE na pahinga na.
Samantala, tinalo ng FEU ang UE, 4-1, para ibigay sa La Salle ang ikaapat at huling puwesto sa Final Four sa men’s football na ginawa sa FEU-Diliman pitch noong Huwebes.
Ang Tamaraws ang lumabas bilang number one sa 33 puntos habang ang Red Warriors ang nasa ikalawang puwesto sa 12 puntos.
Nasa ikatlo ang UST sa 17 habang ang Archers ang nasa ikaapat sa 14 puntos.
Kalaban pa ng La Salle ang talsik ng National University sa Linggo at kailaÂngan nilang makaiskor ng hindi bababa sa dalawang goals para makaiwas sa FEU sa Final Four. (AT)
- Latest