^

PSN Palaro

Laban ng Knicks at Portland ‘di pinalampas ni Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinalampas ni Manny Pacquiao ang pagkakataong makapanood ng isang NBA game habang nasa New York City siya.

Kasama ng kanyang Canadian adviser na si Michael  Koncz, pinanood ni Pacquiao ang laro ng New York Knicks at ng Portland Trail Blazer sa Madison Square Garden noong Lunes ng gabi.

Isa ring avid basketball fan, pinalakpakan nang husto ng mga NBA fans ang Filipino world eight-division champion nang ipakita ang kanyang mukha sa higanteng Jumbotron kung saan nanaig ang Trail Blazers kontra sa Knicks, 94-90.

Nakapanayam ni Jill Martin ng MSG network ang 35-anyos na si Pacquiao, sumusuporta sa Boston Celtics, sa halftime ng natu-rang Knicks-Trail Blazers game.

“I am happy and excited to be here,” wika ni Pacquiao na sinabi rin kay Martin na ang kanyang paboritong Knicks player ay si superstar Carmelo Anthony.

Matapos ang laro ay pinuntahan ni Pacquiao ang dugout ng Knicks kung saan siya nagpalitrato kasama si Anthony.

Bilang pasasalamat ay binigyan ni Anthony ang Sarangani Congressman ng isang bola na may pirma niya.

Sinabi ni Pacquiao na gusto niyang lumaban minsan sa Madison Square Garden.

“I am looking forward to fighting here at Madison Square Garden and I like it here,” wika ni Pacquiao. “Hopefully soon.”

Nakatakdang hamunin ni Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) si WBO welterweight king Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) sa isang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang pagbisita sa New York City ay bahagi ng kanilang promotional stop ni Bradley para paingayin ang kanilang rematch. 

 

BOSTON CELTICS

CARMELO ANTHONY

JILL MARTIN

KNICKS-TRAIL BLAZERS

LAS VEGAS

MADISON SQUARE GARDEN

MADISON SQUARE GARDEN AND I

NEW YORK CITY

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with