^

PSN Palaro

PATAFA ipasisibak din si Gomez

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mangingiming pa­ngunahan ng PATAFA ang pagkilos para patalsikin sa puwesto si PSC commissioner Jolly Gomez bunga ng kanyang aksyon laban sa kanilang dalawang national coaches.

Matatandaan na inirekomenda ni Gomez na alisin sa mga sinusuporta­hang coaches sina Joseph Sy at Roselyn Hamero dahil hindi umano nanalo ang kanilang sinasanay na atleta sa Myanmar SEAG.

Inakusahan din ni Gomez ang dalawang coach na namemeke ng credentials ng mga hawak na manlalaro para maipasok sa national pool at na­ka­kapaglaro sa labas ng bansa pero hindi nananalo ng medalya.

“Our athletes and coaches are frustrated and feeling restless, with the way the PSC is beha-ving. I’ve been meeting with them lately, assuring them that despite the lack of respect and support accorded to them by the PSC, the PATAFA is behind them all the way,” statement na nanggaling sa pangulo ng PATAFA na si Go Teng Kok.

Hindi maintindihan ni Go kung bakit pinag-iinitan ni Gomez sina Sy at Ha­mero gayong ang PATAFA ang siyang kinilala bilang may pinakamagandang ipinakita sa 2013 SEA Games matapos humakot ng anim na ginto.

vuukle comment

GO TENG KOK

GOMEZ

INAKUSAHAN

JOLLY GOMEZ

JOSEPH SY

MATATANDAAN

MYANMAR

ROSELYN HAMERO

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with