^

PSN Palaro

Pagka-Pinoy ng 2 NBA players nasa kamay na ng Kongreso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng Kongreso ang paghahangad ng bansa na magkaroon pa ng dalawang naturalized players para palakasin ang laban sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Si Antipolo Representaive Robbie Puno ang siyang naghain ng House Bills 3783 at 2784 para sa naturalization nina NBA players Javale McGee ng Denver Nuggets at Andray Blatche ng Brooklyn Nets.

Ang 26-anyos na si McGee ay may taas na 7-feet habang ang 27-anyos na si Blatche ay may taas na 6’11.

Sa ngayon ay si Marcus Douthit ang naturalized pla­yer ng Gilas pero itinutulak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magkaroon ng dalawa pa para may pagpilian sakaling magkaroon ng aberya o injury si Douthit.

“We all saw what Marcus Douthit did for the Philippine team in FIBA Asia last year, McGee and Blatche can further strengthen Gilas and boost our chances in Spain,” pahayag ni SBP president Manny V. Pangilinan.

Isang naturalized player lamang kada bansa ang puwedeng maglaro base sa alituntunin ng FIBA at ang mga kasali sa World Cup ay binibigyan ng hanggang Hun­yo 30 para maisumite ang kanilang opisyal na line-up.

Bukod sa World Cup, naghahanda rin ang Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea at malaki ang mai­tutulong ng dalawang NBA players sa puntiryang gintong medalya.

Ang Pilipinas ay huling nakapasok sa FIBA World Championship noon pang 1978 nang ito ay ginawa sa bansa.

 

ANDRAY BLATCHE

ANG PILIPINAS

ASIAN GAMES

BROOKLYN NETS

DENVER NUGGETS

HOUSE BILLS

MANNY V

MARCUS DOUTHIT

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with