^

PSN Palaro

3 ex-champion babandera sa Ronda Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Babanderahan ng mga dating kampeong sina Irish Valenzuela ng Army, Mark Galedo ng 7 Eleven at Santy Barnachea ng Navy-Standard Insurance ang kampanya ng bansa sa pagpadyak ng Ronda Pilipinas International 2014 sa pamamagitan ng isang 66-kilometer Stage One sa Quezon City Circle.

Makakasukatan nina Valenzuela, Galedo at Barnachea, naghari sa unang tatlong edisyon ng Ronda bago maging international event ngayong taon, ang mga foireign riders.

Sinabi ng 28-anyos na si Galedo, ang second edition winner at reigning  Southeast Asian Games gold medalist sa Myanmar, na nasa maganda siyang kondisyon para sa karera.

Lumipat naman si Valenzuela sa Army matapos mawala ang koponan ng LPGMA-American Vinyl.

Premyong P7.3 mil­yon ang nakalatag kung saan ang mga individual at team overall champions ay tatanggap ng tig-P600,000 sa event na itinataguyod ng LBC, MVP Sports Foundation, NLEX, Maynilad, PLDT and Mitsubishi, Versa 2 Way Radio, Standard Insurance at Air Asia Zest. (JVillar)

vuukle comment

AIR ASIA ZEST

AMERICAN VINYL

GALEDO

IRISH VALENZUELA

MARK GALEDO

NAVY-STANDARD INSURANCE

QUEZON CITY CIRCLE

RONDA PILIPINAS INTERNATIONAL

SANTY BARNACHEA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with