^

PSN Palaro

Labao most bemedalled athlete sa batang pinoy national finals QC tankers kampeon sa swimming

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

BACOLOD CITY, Philippines - -- Tumangay ang mga Quezon City tankers ng 14 gintong medalya, habang isang pambato ng Baguio City ang kumuha ng lima sa swimming events ng Batang Pinoy National Finals 2013 kahapon dito sa Panaad Park and Stadium.

Sa nasabing bilang ng ginto, nagbigay sina Raissa Gavino at Kirsten Chloe Daos ng tig-tatlo para sa Quezon City.

Pumangalawa ang Baguio City sa kanilang nakuhang 10 gintong medalya kasunod ang Davao City, Manila, Lucena at Bohol na may tig-lima.

Nagdagdag naman si Lorenzo Jenkins Labao ng Ba­guio City ng dalawa para sa kanyang pitong gintong medalya at hirangin bilang atletang may pinakamaraming nasikwat na gold medal.

Ang mga events na idinagdag ni Labao sa pagta­tapos ng swimming competitions ay ang boys’ 13-15 100-meter butterfly at ang 200m individual medley.

“Sobrang saya at proud na proud para sa mga taga-Baguio. For first time nag MVP ako sa Batang Pinoy,” sabi ng 5-foot-8 na si Labao, isang third year high student  mula sa University of Baguio Preparatory School.

Ang mga naunang events na dinomina ni Labao ay ang boys’ 400m freestyle, 50m butterfly, 400m IM, 200m medley at sa freestyle relays kasama sina Dan Christian Leyba, Renz Gawidan at Neil Nazarro.

Humugot naman ang Iloilo City ng siyam sa kabuuang 12 gold medals sa arnis anyo competitions kasama ang tatlo ni Crystal AJ Bartonico sa girls single weapon solo, double weapon solo at sword at dagger solo.

Sa triathlon, ginitla ni Sta. Rosa, Laguna bet Julius Constantino ang national pool reserve na si Frederick Albert Chiongbian ng Cebu City matapos itakbo ang gin­tong medalya.

Nagposte ang 15-anyos at 5-foot-9 na si Constantino, nag-aaral sa Colegio de San Agustin, ng oras na 27 minuto sa kanyang ginawang 400m swim, 8.4km bike at 2k run laban kay Chiongbian (27:34) na ikinukunsidera para sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Nanguna ang 12-anyos na si Nicole Eijansantos ng Quezon City sa girls division sa bilis na 29:50 kasunod sina Lauren Justine Plaza ng Biñan, Laguna (30:05) at Victoria Deldio ng Olongapo (30:39).

Sa Negros Occidental National High School grounds, giniba ng World Series veteran na Iloilo ang Gen. Santos City (14-2) at ang Bacolod (6-0) para sa kanilang 4-0 record sa seven-team girls softball event.

BAGUIO CITY

BATANG PINOY

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

CEBU CITY

CITY

DAN CHRISTIAN LEYBA

DAVAO CITY

LABAO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with