‘Di bababa sa 200 atleta ang ipapadala ng PSC sa Asiad
MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 200 National athletes ang ilalahok ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea.
Ito ang inihayag kahapon ni POC chairman Tom Car-Â rasco ng triathlon kaugnay sa bilang ng mga atletang isasabak sa nasabing quadrennial event na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
“I think mga 200 kasi may basketball, softball, rugby,†wika ni Carrasco, tumayong Chef De Mission ng Team Philippines sa Busan, Korea noong 2002 Asian Games. “Pero puwede pang mapasama ang football.â€
Sa kriterya ng Task Force na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na hinirang na Chef De Mission para sa 2014 Incheon Asiad, tanging ang Gilas Pilipinas, Blu Girls (women’s softball) at rugby squad ang tiyak nang pasok sa delegasyon.
Noong 2002 Busan Asiad, nag-uwi ang delegasyon ng kabuuang 3 gold, 7 silver at 16 bronze medals, habang kumolekta ang bansa ng 4-6-9 medalya sa Doha, Qatar noong 2002 para tumapos sa magkatulad na pang-18.
Sa Guangzhou, China noong 2010 ay kumolekta ang bansa ng 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals at nalaglag sa No. 19.
- Latest