Grizzlies wagi sa Kings; Rockets lusot sa Mavericks; Bobcats ibinandera ni Jefferson sa panalo
DENVER -- Pinantayan ni Al Jefferson ang kanyang season high na 35 points, kasama rito ang isang basket sa huling mga segundo ng laro, para ihatid ang Charlotte Bobcats sa 101-98 panalo laban sa Denver Nuggets.
Humakot din si Jefferson, umiskor ng higit sa 20 points sa 10 sunod na laro, ng 11 rebounds para sa kanyang 14th double-double sa nakaraang 22 laban.
Nagdagdag sina GeÂrald Henderson at Ramon Sessions ng tig-16 points para sa Bobcats na tinalo ang Nuggets sa Denver sa ikalawang pagkakataon sa kanilang walong beses na paghaharap.
Tumipa naman si Randy Foye ng 33 points para sa Denver.
Sa Sacramento, California, gumawa si Mike Conley ng 27 points at 10 assists para tulungan ang Memphis Grizzlies sa kanilang ikaapat na sunod na panalo mula sa 99-89 paggiba sa Sacramento Kings.
Matapos kunin ng Grizzlies ang unahan sa third quarter ay hindi na nila nilingon ang Kings.
Nagtala si Isaiah ThoÂmas ng 24 points kasunod ang 23 ni Rudy Gay para sa Kings na nakamit ang kanilang ika-limang sunod na kamalasan.
Sa Dallas, umiskor si Chandler Parsons ng 26 points at tinalo ng Houston Rockets ang Dallas MaveÂricks, 117-115.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na naglaro ang Rockets na wala si injured guard James Harden.
Nagdagdag si Dwight Howard ng 21 points, habang may 18 si Jeremy Lin para sa Houston.
- Latest