Pido Jarencio Batang Pier na!
MANILA, Philippines – Balik PBA si Pido Jarencio matapos kunin ng Global Port Batang Pier upang pamunuan ang koponan.
Sinabi ni Globalport team owner Mikee Romero na binigyan nila ng dalawang taong kontrata si Jarencio na nagbitiw ngayong Lunes bilang head coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers.
“We signed him to a two-year contract, extendible,†banggit ni Romero.
“At last, we already have a head coach that will go with me for the long term,†dagdag ng team owner.
Sinabi pa ni Romero na isasabak agad sa trabaho si Jarencio upang mapaghandaan ang pagbalik ng Global Port sa Commissioner’s Cup.
“Coach Pido will evaluate the existing team this week and he will give his recommendation,†said Romero.
Pinalitan ng dating PBA star ang interim coach Richie Ticzon na bigong maitawid ang Batang Pier sa semi-finals ng All Filipino Cup.
Umupo si Ticzon kapalit ni Junel Baculi matapos hindi makuha ng Global Port sina Nash Racela at Alex Compton.
Hindi na bago sa paghawak ng koponan si Jarencio dahil nabigyan niya ang UST Tigers ng isang kampeonato sa UAAP noong 2006, habang back-to-back UAAP Finals appearance naman nitong huling dalawang taon.
Kinilala din si Jarencio bilang Coach of the Year ng UAAP noong 2006, kung saan iyon ang unang taon niyang hawakan ang Growling Tigers.
- Latest