^

PSN Palaro

Wawrinka giniba si Nadal para sa kanyang unang Grand Slam crown

Pilipino Star Ngayon

 MELBOURNE, Australia--Sinamantala ni Stanislas Wawrinka ang injury ni Rafael Nadal upang ibulsa ang kanyang kauna-unahang Grand Slam title sa pamama­gitan ng 6-3, 6-2, 3-6, 6-3 panalo nitong Linggo sa Australian Open final.

Hindi pa nananalo ang 28-anyos Swiss player ng set kay Nadal sa nakalipas 12 paghaharap, subalit nag-iba ang ihip ng hangin nang mula sa simula ay dino­mina ni Wawrinka ang laban sa Melbourne Park kontra sa 13-time major winner.

Tila kinakitaan si Nadal ng pagreretiro sa ikalawang set, nang ang kanyang likod ay sumakit at kinailangan ng medical time out, pero dahan-dahan itong bumangon matapos mabigyan ng gamot na nagtulak kay Wawrinka sa four sets.

Kampeon sa kompetisyon noong 2009, kumapit kay Nadal ang malas dahil nasibak siya noong 2010 at 2011 dahil sa injury. Hindi naman siya nakasali noong nakaraang taon dahil din sa injury.

Matatandaan na nagkaroon ng retirement sa kalagit­naan ng men’s finals noong1990 Australian Open nang si Stefan Edberg ay umayaw sa third sets matapos na maghati sila sa unang dalawang sets ni Ivan Lendl.

Muling humiling si Nadal ng medical time out matapos maiwanan sa set at break at sa kanyang pagbabalik siya ay nakatikim ng boos mula sa mga manonood.

At sa bawat paghingi ni Nadal ng medical time-out, naging mabangis at determinado si Wawrinka na tapusin ang laban para sa kanyang unang major title.

 

vuukle comment

AUSTRALIAN OPEN

GRAND SLAM

IVAN LENDL

MELBOURNE PARK

NADAL

RAFAEL NADAL

STANISLAS WAWRINKA

STEFAN EDBERG

WAWRINKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with