^

PSN Palaro

World Tournament 14.1 muling idaraos sa New York

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawin uli sa New York City ang World Tournament na 14.1 at magtatangka ang Pilipinas na magkaroon ng kampeon sa nasabing kompetisyon na gagawin mula Agosto 4 hanggang 9.

Si Francisco Bustamante ang top Filipino cue-artist sa 2013 nang nakuha niya ang bronze medal.

Ito ang kanyang ikalawang medalya sa Word 14.1 dahil noong 2009 ay nakontento siya sa silver medal.

Ang iba pang Pinoy na umani ng medalya ay sina Efren “Bata” Reyes (silver 2012), Dennis Orcollo (bronze 2008) at Alex Pagulayan (bronze 2011).

Prestihiyoso ang kompetisyon dahil sinasalihan ito ng mga malalaking pa­ngalan sa larangan ng bilyar.

Si Thorsten Hohmann ng Germany ang siyang nagdomina noong  nakaraang edisyon para sa kanyang ikatlong titulo sa 14.1.

Si Bustamante na natalo  kay Darren Appleton ng England sa semifinals, ang inaasahang mangu­nguna sa ilalabang koponan ng bansa.

 

vuukle comment

AGOSTO

ALEX PAGULAYAN

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

NEW YORK CITY

SI BUSTAMANTE

SI FRANCISCO BUSTAMANTE

SI THORSTEN HOHMANN

WORLD TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with