^

PSN Palaro

Bosh, James nagtulong sa paggiba sa Lakers

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Nagtulong sina Chris Bosh at LeBron James para itulak ang Miami Heat sa 109-102 panalo sa Los Angeles Lakers noong Huwebes.

Tumipa ng 31 puntos si Bosh habang 27 puntos at 13 rebounds pa ang ibinigay ni James. Naroroon din ang suporta nina Mario Chalmers, Norris Cole at Ray Allen na bumanat ng 11, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod at ang Heat ay nanalo sa Lakers sa ikawalo sa huling siyam na pagkikita.

Nakatulong sa two-time defending champion Heat ang naitalang 58 percent shooting sa laro at ang 48-35 dominasyon sa rebounding para hawakan ang kalamangan sa  laro mula simula hanggang sa natapos ito.

Sina Jodie Meeds at Pau Gasol ay nagtala ng tig-22 puntos para sa Lakers na natalo sa ika-14th sa huling 17 na asignatura.

Hindi pa rin nagamit ng  Lakers dahil sa injury sina Kobe  Bryant, Steve Nash, Steve Blake, Jordan Farmar at Xavier Henry pero hindi napigil ang pananakot ng koponan na makuha ang panalo.

Naghabol ang Lakers mula 16-puntos agwat sa se­cond half pero naipasok ni Bosh sa huling 54.4 segundo.amh kanyang tira. Naalpasan ni Bosh ang dumedepensa sa kanya sa isang head fake bago tumira ng 20-footer tungo sa 108-101 kalamangan.

vuukle comment

CHRIS BOSH

JORDAN FARMAR

LOS ANGELES LAKERS

MARIO CHALMERS

MIAMI HEAT

NORRIS COLE

PAU GASOL

RAY ALLEN

SINA JODIE MEEDS

STEVE BLAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with