Huling puwesto sa quarters uupuan ng Bakers vs Elite
Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
12 nn Café France Bakers vs Blackwater Sports
2 p.m. Cebuana Lhuillier
vs NU-Banco de Oro
4 p.m. NLEX vs Derulo Accelero
MANILA, Philippines - Iigting pa ang labaÂnan para sa huling upuan patuÂngong quarterfinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa pagkikita ng Café France at Blackwater Sports ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Unang laro sa triple-header game sa ganap na alas-12 ng tanghali magsisimula ang bakbakan at hanap ng Bakers na selÂyuhan na ang pinaglalabanang puwesto bagay na hindi pahihintulutan ng Elite.
Ang dalawang kopoÂnang nabanggit na lamang ang palaban para sa quarterfinals slot at sa ngayon ay hawak ng Bakers ang mahalagang pang-anim na puwesto sa team standings bitbit ang 7-4 baraha.
Kung manalo ang bataan ni coach Edgar Macaraya ay sila na ang aabante dahil hindi na aabot ang Elite sa walong panalo.
Sa kabilang banda, ang bataan ni coach Leo Isaac na may 6-5 baraha, ay kailangang manalo ngayon at sa huling laro kontra sa Cebuana Lhuillier sa Enero 28 para magpatuloy ang kampanya sa ikalawang kampeonato sa liga.
Huling katunggali ng Bakers ang Arellano-Air21 sa Enero 27 at kung manalo sila at ang Elite, magtatabla ang dalawa sa 8-5 at ang winner-over-the-other rule ang gagamitin para malaman kung sino ang aabante.
Ang Cebuana Lhuillier at NU-Banco de Oro ang magpapang-abot sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon bago sumabak ang NLEX kontra sa Derulo Accelero dakong alas-4 ng hapon. (ATan)
- Latest