Durant ‘di maawat, Thunder angat na sa Northwest
OKLAHOMA--NagpaÂtuloy ang mainit na paglaÂlaro ni Kevin Durant upang hawakan ang isang larong bentahe sa Portland sa Northwest Division gamit ang 105-97 panalo sa Trail Blazers noong Miyerkules.
Tumapos si Durant taÂngan ang 46 puntos mula sa 17-of-25 shooting na nilakipan ng 6-of-7 marka sa 3-point line.
Ito ang ikawalong sunod na laro na si Durant ay gumawa ng 30-puntos pataas at ito na ang pinakamahabang streak sa kanyang career.
May 11 puntos si Durant sa huling 3:23 ng huling yugto para iwan ang Portland na nanalo sa naunang dalawang pagtutuos.
Umangat ang Oklahoma (32-10) sa 9-5 baraha sapul nang nawala ang All-Star guard na si Russell Westbrook dahil sa right knee injury.
Sa Miami, nagsalpak ng 11 sa kanyang 29 puntos si LeBron James sa huling yugto para maisantabi ng Miami Heat ang pagkawala ng 18-puntos kalamangan tungo sa 93-86 panalo sa Boston Celtics.
Si Chris Bosh ay nagÂhatid ng 16 at si Chris Andersen ay may 13 puntos na kinatampukan ng 5-of-5 shooting.
Ginamit ng Heat ang 9-0 run sa pagtatapos ng laro para maitabla sa 1-1 ang dalawang pagkikita ng nasabing mga koponan sa Miami.
Si Brandon Bass ay mayroong 15 puntos para sa Celtics na nakitaan pa rin ng pangangapa sa pagÂlalaro ng nagbabalik na si Rajon Rondo.
Sablay ang lahat ng waÂlong buslo na binitiwan bukod pa sa dalawang free throws na naglapit sana sa Celtics sa dalawang puntos sa huling 44.4 segundo.
Sa Brooklyn, naglista si Andray Blatche ng 18 puntos mula sa bench habang ang reserve forward na si Mirza Teletovic ay may 14 at ang Brooklyn Nets ay nanalo sa ikawalong pagkakataon sa huling siyam na laro sa 101-90 pananaig sa Orlando Magic.
Sa Utah, gumawa si Kevin Love ng 19 puntos, 13 rebounds at walong assists upang banderahan ang Minnesota sa 112-97 tagumpay laban sa Jazz.
- Latest